4 Wanted Persons, arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Oriental Mindoro

0
29
Screenshot

Arestado ng mga operatiba ng Police Regional Office MIMAROPA (PRO MIMAROPA) ang apat na wanted person sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng Roxas Municipal Police Station (MPS), Pinamalayan MPS, at Bongabong MPS nito lamang September 22, 2026.

Unang naaresto sa magkasunod na operasyon ng Roxas MPS, sa pangunguna ni PMaj Aries-Joi M Adorio, Chief of Police (COP), katuwang ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Oriental Mindoro Police Provincial Office (PPO) at ang 3rd Platoon ng 2nd Oriental Mindoro Provincial Mobile Force Company (PMFC) ang dalawang wanted person sa Brgy. Bagumbayan, Roxas. Naaresto ang dalawang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong September 22, 2026, ng Municipal Trial Court, Fourth Judicial Region, Roxas, Oriental Mindoro, sa parehong kaso ng estafa.

Samantala, sa pangunguna naman ng Pinamalayan MPS na pinamumunuan ni PLtCol Christian P Bermudez, COP, naaresto ang isa pang wanted person sa Brgy. Zone 3, Pinamalayan, Oriental Mindoro, dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide. Ang suspek ay may arrest warrant na inisyu ng Municipal Trial Court ng Pinamalayan noong September 21, 2026.

Sa hiwalay na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Bongabong MPS, sa pangunguna ng PMaj Aldrian James F Garcia, COP, katuwang ang Oriental Mindoro Maritime Police Station (MARPSTA) at 2nd Oriental Mindoro PMFC, naaresto ang isang 34-anyos na suspek sa Brgy. Aplaya, Bongabong, Oriental Mindoro, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong July 31, 2015, ng Municipal Trial Court ng Bongabong dahil sa kasong Robbery.

Alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” isinailalim ang apat na naarestong suspek sa kustodiya ng kani-kanilang mga police station para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Pinuri naman ni PCol Edison V Revita, Provincial Director, ang mga personnel na bahagi ng nasabing mga operasyon. Aniya, “I commend our personnel for their continued efforts in locating and arresting wanted persons. Through proper coordination and timely action, we can ensure that those with standing warrants are brought before the proper courts to face the legal process” (Pinupuri ko ang ating mga tauhan sa kanilang patuloy na pagsisikap na matunton at maaresto ang mga taong may nakabinbing warrant of arrest. Sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at agarang pagkilos, matitiyak nating maihaharap sa tamang hukuman ang lahat ng mga wanted na indibidwal upang harapin ang prosesong legal).

Source: https://www.facebook.com/share/p/14urA7wzaHA/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply