Information Drive, ikinasa ng President Roxas MPS sa Cotabato

0
26

Ikinasa ang isang information drive na personal na pinangunahan ni Police Major Jose Ryan B. Feranil, Hepe ng President Roxas Municipal Police Station (MPS), para sa mga mag-aaral ng Don Antonio Jayme Memorial High School sa Barangay Del Carmen, President Roxas, Cotabato kasabay ng kanilang Monday Flag-Raising Ceremony nito lamang Lunes, Oktubre 5, 2026.

Tinalakay sa aktibidad ang mga mahahalagang usapin tungkol sa Anti-Bullying Act, mga panganib ng nihilistic violence, at responsableng paggamit ng social media, partikular na ang pag-iwas at wastong pag-uulat ng mga online threat at kahina-hinalang aktibidad.

Pinayuhan ang mga mag-aaral na pairalin ang kabaitan at paggalang sa kapwa, manatiling mapagmatyag, at gumamit ng social media nang responsable. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng agarang pagsasabi sa mga magulang, guro, iba pang pinagkakatiwalaang nakatatanda, o sa kinauukulang awtoridad kapag nakaranas o nakasaksi ng bullying, pagbabanta, o kahina-hinalang gawain.

Sa pamamagitan ng patuloy na ugnayan ng pulisya at mga paaralan, ipinagpapatuloy ng President Roxas MPS ang mga hakbang upang makatulong sa paglikha ng ligtas, mapayapa, at protektadong learning environment para sa lahat ng mag-aaral na napapaloob sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.

Source link: https://www.facebook.com/share/p/18KEy8Luym/

Leave a Reply