Illegal gun dealer, patay sa buy-bust operation sa Samar

0
603

Patay ang isang Illegal gun dealer sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Calbayog City Police Station at RID RSOU8 bandang 9:55 ng gabi ng Enero 14, 2026 sa Purok 2 Brgy. Rawis Calbayog City, Samar sa paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Kinilala ni PLtCol Dinvir L Revita, hepe ng Calbayog CPS, ang suspek na si alyas “Popo”, lalaki, walang trabaho, residente ng Barangay Looc, ng nasabing syudad at tinuturing na isang High Value Individual (HVI).

Habang nagaganap ang transaksyon, nakaramdam ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon at agad na nagpaputok sa poseur buyer at sa mga operatibang pulis, dahilan upang ipagtanggol ng mga huli ang kanilang sarili at nagpapaputok pabalik sa suspek.

Agad namang dinala sa Calbayog District Hospital, Lungsod ng Calbayog, ang suspek para sa agarang gamutan, subalit idineklara siyang dead on arrival bandang alas-10:20 ng gabi sa parehong petsa ng kanyang attending physician.

Samantala, narekober ng mga SOCO sa pinangyarihan lugar ang isang (1) kalibre. 45 na may magasin at bala, dalawang (2) bala ng 9mm, isang (1) bala ng kalibre .45 at 10 pirasong basyo ng kalibre 9mm.

Narekober mula sa suspek ang buy-bust money na nagkakahalaga ng Php15,000 gamit ang isang genuine na Php500 na may serial CD9774191, Php14,500 na boodle money at (8) walong pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit kumulang isang (1) gramo at may Dangerous Drug Board value na Php6,800.

Source: Calbayog City Police Station