Nanatiling tahimik at mapayapa ang ilang bahagi ng Maynila ngayong Setyembre 21, 2026, kasabay ng paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa.
Naging maayos naman ang sitwasyon sa mga lugar na inaasahang pagdarausan ng mga aktibidad at pagtitipon, habang patuloy na nagsagawa ng police visibility at security monitoring ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Kasabay nito, patuloy na nakipag-ugnayan ang kapulisan sa mga organizer at iba pang concerned agencies upang matiyak ang maayos na daloy ng mga aktibidad at mapangalagaan ang seguridad ng publiko. Patuloy rin ang pagpapaalala sa mga kalahok na isagawa ang kanilang mga aktibidad nang mapayapa at alinsunod sa umiiral na mga batas at alituntunin.
Sa kabila ng mga isinagawang pagtitipon, nanatiling maayos ang sitwasyon sa ilang bahagi ng lungsod. Patuloy namang nakaantabay ang kapulisan upang mapanatili ang public safety at agarang makatugon sa anumang insidenteng maaaring makaapekto sa kapayapaan at kaayusan.
Source: PNN (https://www.facebook.com/share/v/1BqJYFEFQc/)

