Ifugao CDM Contingents, buong pagmamalaking sinalubong ng IPPO matapos ang 3-day Peace Rally

0
1176

Buong pagmamalaking sinalubong ng Ifugao Police Provincial Office (IPPO), sa pangunguna ni PCol Jeremias G. Oyawon, Provincial Director, ang mga nagbabalik na Civil Disturbance Management (CDM) Contingent noong Nobyembre 19, 2025 sa Camp Col Joaquin P Dunuan, Poblacion North, Lagawe, Ifugao.

Sa isinagawang programa, kinilala ni PCol Oyawon ang mga tauhan na nagsakripisyo ng ilang araw upang maghatid ng serbisyo sa 3-day peace rally sa Maynila.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang matagumpay na deployment na sumasalamin sa hindi natitinag na pangako ng Haggiyo Cops na protektahan ang kaligtasan ng publiko habang iginagalang ang kanilang mga karapatan sa malayang pamamahayag.

Kabilang din sa mga dumalo sa programa ay sina Rev. Pastor Jimmy L. Lachaona; at Hon. Jansen Gullunan Roldan, Konsehal ng Lagawe, na nagbigay-puri sa propesyonalismo at dedikasyon ng mga CDM contingent sa maayos at matagumpay na demonstrasyon.

Ang IPPO ay nananatiling matatag sa mandatong itaguyod ang kaayusan at kapayapaan ng buong lalawigan nang may disiplina, integridad, at paninidigan.

Source: Ifugao PPO