High Value Individual, arestado sa Bacolod City

0
575

Arestado ang isang High Value Individual ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Bacolod City Police Office matapos itong mahulihan ng 100 grams ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation nitong alas 5:11 ng umaga ng December 22, 2025 sa Purok 4, Barangay Singcang-Airport, Bacolod City.

Isinigawa ang operasyon sa pangunguna ni Police Lieutenant Richard Legada, Assistant Chief, CDEU, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na kinilalang si alyas “Mark,” 41 years old, at residente ng nasabing barangay.

Matagumpay na nakumpiska ng kapulisan mula kay Mark ang nasa 100 grams ng hinihinalang shabu na may estimated Standard Drug Price (SDP) na Php680,000, kasama ang iba pang mga drug evidence.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Illegal Drugs) at 11 (Possession of Illegal Drugs) ng Republic Act 9165.

Samantala, tiniyak naman ng buong pamunuan ng Bacolod City Police Office ang kanilang buong tapang at dedikasyon upang puksain ang paglaganap ng ilegal na droga sa lungsod habang nanawagan sa publiko na suportahan ang kapulisan sa kampanya kontra droga sa pamamagitan ng maagap na pagbibigay ng impormasyon sakaling may kaduda-dudang aktibidad na nangyayari sa kanilang mga komunidad.