Haggiyo Cops, nakiisa sa mass blood donation sa Lagawe, Ifugao

0
197

Nakiisa ang Ifugao Police Provincial Office (IPPO), sa pangunguna ni PCol Jeremias G. Oyawon, Provincial Director, sa Mass Blood Donation na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Lagawe sa Bagsakan Center, Poblacion East, Lagawe, Ifugao noong Hunyo 25, 2026.

Aktibong lumahok sa inisyatiba ang mga tauhan mula sa IPPO Provincial Headquarters, 1st at 2nd Ifugao Provincial Mobile Force Company (IPMFC), at Lagawe Municipal Police Station bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa mga programang nagliligtas ng buhay.

Sa isinagawang aktibidad, ipinamalas ng mga kapulisan ang kanilang malasakit at dedikasyon sa paglilingkod sa komunidad hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi maging sa pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng mamamayan. Pinagtibay din ng aktibidad ang matatag na ugnayan ng Philippine National Police, lokal na pamahalaan, at mga institusyong pangkalusugan sa pagpapalaganap ng bolunterismo at serbisyong makatao.

Patunay ang matagumpay na inisyatiba sa patuloy na hangarin ng pambansang pulisya na maging katuwang ng komunidad sa mga programang nagbibigay-buhay at nagtataguyod ng kabutihang panlahat, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Ifugao PPO

Leave a Reply