Arestado ang umano’y isang gunrunner sa isinagawang buy-bust operation ng CIDG Bacolod City Field Unit katuwang ang Kabankalan City Police Station sa Barangay Talubangi, Kabankalan City, Negros Occidental na nagresulta sa pagkakakumpiska ng limang loose firearms (isang caliber 45 pistol at apat na caliber 38 revolver), magasin, at mga bala.
Huli si alyas “Ron,” lalaki, walang asawa, 37 taong gulang at residente ng Barangay 2 Kabankalan City, Negros Occidental na aktong nagbebenta sa limang yunit na loose firearms. Ayon sa ulat, ang suspek ay nagsasagawa ng mga gunrunning activities sa naturang lugar at kalapit na bayan ng Negros Occidental.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 32 (Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearms or Ammunition) ng Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ng National Prosecution Service.
Pinuri ni PMGen Robert A Morico II, Acting Director ng CIDG, ang buong pagsisikap ng CIDG Regional Field Unit ng Negros Island Region (NIR) pati na rin ang CIDG Bacolod Field Unit na nagresulta sa ikaaaresto ng suspek. Aniya, “I commend PLtCol Edilmar G Alviar, the Regional Chief of CIDG Regional Field Unit Negros Island Region (NIR), and CIDG Bacolod City Field Unit led by PMAJ Edgar T Tonico Jr for the confiscation of these five unlicensed firearms and arrest of the alleged gunrunner. With this remarkable seizure, we removed from circulation and use the instruments of killing, thereby, we significantly prevented crime. Maraming salamat sa inyo.”
Ang PNP ay walang tigil sa pagpapatupad ng batas at paggawa ng mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.



