Nagkaloob ng wheelchair ngayong araw, ika-26 ng Abril 2026, ang mga tauhan ng 2nd Platoon ng 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company sa anim na taong gulang na batang Persons with Disability na si Cyrus C. Valderama ng Barangay Teneguiban, El Nido, Palawan bilang bahagi ng kanilang programang makatao para sa komunidad.
Ang naturang inisyatiba ay isinagawa sa ilalim ng best practice program ng yunit na “2nd Palawan PMFC Gulong ng Pag-asa,” na naglalayong makapaghatid ng tulong at suporta sa mga indibidwal na may kapansanan upang mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Naging katuwang ng kapulisan sa makabuluhang gawain ang Rotary Club of Roxas, na tumulong sa pagbibigay ng wheelchair upang mapabuti ang mobilidad ng bata at mabigyan siya ng mas komportableng paraan ng paggalaw sa kanyang tahanan at komunidad.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programang makatao, patuloy na isinasabuhay ng PNP ang adhikaing “Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” na nagpapakita ng tunay na malasakit ng kapulisan sa kapakanan ng bawat mamamayan, lalo na ng mga higit na nangangailangan.
Source: 2nd Palawan PMFC



