Isang drug personality ang naaresto ng mga operatiba ng Police Station 2, Cebu City Police Office (CCPO), sa isinagawang buy-bust operation noong gabi ng Mayo 30, 2026 sa Cebu City.
Ang operasyon ay isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU)/Tracker Team sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PMaj Asris B Tormo, Officer in Charge, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nakumpiska mula sa suspek ang mga pakete ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang timbang na 110 gramo at may Standard Drug Price na Php748,000.00.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa detention facility ng Police Station 2 para sa pansamantalang kustodiya habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa korte dahil sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Layunin ng Cebu City Police Office na sugpuin ang pagkalat ng mga ipinagbabawal na gamot at buwagin ang mga grupong sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa lungsod sa ilalim ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”



