Drug personality, arestado sa buy-bust operation sa Camalaniugan, Cagayan

0
170

Isang drug personality ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng mga law enforcement agencies sa Barangay Sapping, Camalaniugan, Cagayan noong Agosto 5, 2026.

Kinilala ang suspek bilang si alyas “Mark,” 28 taong gulang, na nakalista bilang Regional Priority 10 drug personality. Ang operasyon ay pinangunahan ng Provincial Intelligence Unit–Provincial Drug Enforcement Unit (PIU-PDEU) sa pamumuno ni PLtCol Noriel U. Lacangan, katuwang ang Regional Intelligence Division 2, Camalaniugan Municipal Police Station sa pamumuno ni PMaj Reynold Calubaquib, Chief of Police, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, PNP Drug Enforcement Group SOU2, at PDEA Cagayan.

Nasamsam sa operasyon ang isang sachet ng hinihinalang shabu na ginamit bilang buy-bust item at apat pang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang timbang na 16.5 gramo at Standard Drug Price (SDP) na Php112,200.00. Narekober din ang isang tunay na Php1,000 bill, isang Php1,000 boodle money, at isang itim na pouch. Agad na isinailalim sa wastong pagmamarka at imbentaryo ang mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng mga kinakailangang saksi, habang gumamit ang operating team ng Body-Worn Camera at alternative recording device alinsunod sa umiiral na mga alituntunin.

Patuloy na pinaiigting ng Cagayan Police Provincial Office ang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng mas pinaigting na intelligence-driven operations at pakikipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies. Hinihikayat din nito ang publiko na patuloy na makiisa sa pagbibigay ng impormasyon upang mapanatiling ligtas, mapayapa, at malaya sa ilegal na droga ang mga komunidad, alinsunod sa adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PNP Cagayan PPO

Leave a Reply