Diadi Police Station, naghatid ng serbisyong pangkomunidad sa Diadi, Nueva Vizcaya

0
46

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Police Community Relations (PCR) Month, nagsagawa ang Diadi Police Station ng isang Community Outreach Program sa Brgy. Villa Florentino, Diadi, Nueva Vizcaya, noong Hulyo 24, 2026.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Diadi Police Station sa pamumuno ni PCPT Daryl Marquez, Acting Chief of Police, ang aktibidad na dinaluhan din ni PLTCOL Edgar V. Manuel Jr., Chief, PCADU, katuwang ang Nueva Vizcaya Provincial Medical and Dental Team sa pamumuno ni PCPT Joana Paala, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company (NVPMFC), at ang Diadi Municipal Health Office (MHO) sa pangunguna ni Dra. Ma. Christina Monar.

Naghatid ang mga kalahok ng iba’t ibang libreng serbisyo kabilang ang medical check-up, tuli, fluoride application, libreng gupit, pamamahagi ng bitamina, tsinelas, school supplies, feeding activity, at soap-making seminar para sa mga residente. Nagsagawa rin ng Anti-Bullying Lecture para sa mga mag-aaral at guro ng Villa Florentino Elementary School upang higit pang mapalakas ang kamalayan sa paglikha ng ligtas at maayos na kapaligiran sa paaralan.

Patuloy na isinusulong ng Diadi Police Station ang mga programang naglalapit ng mga pangunahing serbisyo sa mamamayan at nagpapalakas ng police-community partnership bilang bahagi ng layunin nitong makapaghatid ng Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman sa mamamayan.

Source: PNP Nueva Vizcaya PPO

Leave a Reply