Davao City Traffic Enforcement Unit, nakiisa sa paghahanda sa pagbubukas ng klase

0
84

Nakiisa ang Davao City Police Office – Traffic Enforcement Unit (DCPO-TEU) sa pakikilahok sa mga paghahanda ng Mulig Elementary School, Toril, Davao City para sa nalalapit na pagbubukas ng klase noong Hunyo 8, 2026

Sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Christian Antonio D. Garcia, Chief ng Traffic Enforcement Unit, nakiisa ang yunit sa nasabing gawain upang iparamdam sa mga mag-aaral, magulang, at mga guro na ang kapulisan ay isang maaasahang katuwang sa pagpapatupad ng ligtas, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa paaralan. Sa pamamagitan ng kanilang pakikilahok, ipinakita ng mga pulis ang kanilang malasakit at suporta sa sektor ng edukasyon, lalo na sa paghahanda para sa maayos at ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.

Ang aktibong presensya at suporta ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng Davao City PNP na maging katuwang ng mga institusyong pang-edukasyon at ng komunidad sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mag-aaral na angkop sa layunin na Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply