Arestado ang dalawang suspek matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Police Regional Office 12 (PRO12) sa Brgy. Dado, Alamada, Cotabato, dakong 7:55 ng gabi noong Nobyembre 18, 2026.
Kinilala ni PBGen Alan B Manibog, Regional ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Rodel,” 48 anyos, may asawa, magsasaka, at si alyas “Arian,” 20 anyos, binata, magsasaka, pawang residente ng nasabing barangay.
Nasamsam din sa operasyon ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang bigat na 4.68 gramo at halagang Php 31,824, isang .22-caliber revolver, pitong bala, Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, tatlong glass tooter, at dalawang belt bag na kulay violet at pink.
Pinangunahan ng mga operatiba ng Alamada Municipal Police Station ang naturang operasyon katuwang ang STTE RID 12, 2nd Cotabato Provincial Mobile Force Company, 1203rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 12, Cotabato Police Provincial Office–Provincial Drug Enforcement Unit, at Regional Intelligence Unit 12 at Philippine Drug Enforcement Agency 12 (PDEA 12).
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ng mga suspek.
“Patuloy nating paiigtingin ang ating kampanya laban sa ilegal na droga at mga loose firearms sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na operasyon, mahigpit na koordinasyon sa ating mga katuwang na ahensya, at aktibong pakikipagtulungan ng publiko. Mahalaga ang bawat hakbang upang mapigilan ang mga gawaing naglalagay sa panganib sa ating mga komunidad at mapanatili ang kapayapaan at seguridad,” saad ni PBGen Manibog.

