Dalawang drug suspek, arestado sa buy-bust operation ng PRO8 sa Tolosa, Leyte

0
55
Screenshot

Naaresto ng Police Regional Office 8 (PRO8) ang dalawang drug suspect matapos makuhanan ng tinatayang Php795K halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Roque, Tolosa, Leyte, noong September 21, 2026.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Ton-ton,” 32 anyos, at si alyas “Beng,” 31 anyos, kapwa drug suspek at parehong mga residente ng Tolosa, Leyte.

Nanguna sa operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 8 (RPDEU-8) at ng Tolosa Municipal Police Station (MPS).

Nakumpiska ng mga operatiba ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 117 grams at estimated Dangerous Drugs Board (DDB) value na Php795,600.00. Narekober din ang isang revolver, limang rounds ng live ammunition, at buy-bust money.

Iniugnay naman ni Police Brigadier General Romano V Cardiño, Regional Director ng PRO8 ang naturang tagumpay sa walang sawang kampanya ng kapulisan sa rehiyon kontra ilegal na droga sa pamamagitan ng pinaigting na kolaborasyon sa pagitan ng iba’t ibang mga regional intelligence units na nakabatay sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Aniya, “Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng mas pinalawak na kampanya natin kontra ilegal na droga. Asahan ninyong lalo pa naming paiigtingin ang aming mga operasyon kontra kriminalidad, at makasisiguro kayong ang lahat ng ito ay gagawin namin nang patas, naayon sa batas, at may respeto sa karapatang pantao.”

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng Pambansang Pulisya ang naarestong mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act

Source: https://www.facebook.com/share/p/19DUAF1rzC/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply