Dalawang hinihinalang drug suspek ang naaresto sa isinagawang joint buy-bust operation ng Lupon Municipal Police Station (MPS) at iba pang operating units sa Purok Mapailubon, Brgy. Bagumbayan, Lupon, Davao Oriental, alas 11:10 ng gabi, noong Setyembre 19, 2026.
Kinilala ang mga naaresto sa kanilang mga alyas na “Rok-rok,” 49, at “Lut,” 54, kapwa residente ng Lupon, Davao Oriental.
Isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng PDEA na nagresulta sa pagkakakumpiska ng ilang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, kasama ang buy-bust money, itim na belt bag, pouch, lighter, glass tooter, at iba pang ebidensya.
Agad namang minarkahan, inimbentaryo at isinailalim sa wastong dokumentasyon ang mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga at iba pang ebidensya para sa kaukulang proseso.
Dinala ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang item sa Lupon MPS para sa dokumentasyon at wastong disposisyon. Inihahanda naman ang kaukulang kaso para sa paglabag umano sa Sections 5, 11, at 12 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy namang paiigtingin ng Lupon MPS, katuwang ang mga partner agencies, ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang kriminalidad, habang tinitiyak na ang lahat ng operasyon ay isinasagawa alinsunod sa umiiral na batas, mga alituntunin at tamang pamamaraan, bilang bahagi ng adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.
source: https://www.facebook.com/share/p/17XjLEzkFi/?mibextid=wwXIfr

