Batanes PPO, nakiisa sa pagdiriwang ng “Ivatan Attire Day”

0
44

Nakiisa ang Batanes Police Provincial Office (PPO), sa pangunguna ni Police Major Marjorie A. Ballada, Chief ng Tourist Police Unit, kasama ang mga tauhan ng Batanes Police Provincial Mobile Force Platoon at Basco Municipal Police Station, sa paggunita ng “Araw nu Unaunayen nu Ivatan” (Ivatan Attire Day), noong Setyembre 21, 2026.

Bilang pagsunod sa Provincial Ordinance No. 428, Series of 2024 o “Ivatan Cultural Attire Day Ordinance of 2024,” nagsusuot ng angkop na kasuotang Ivatan ang mga Non-Uniformed Personnel bilang pakikiisa sa komunidad at pagpapahalaga sa lokal na sining, tradisyunal na pagkakayari, at katutubong kultura.

Sa pamamagitan ng pagsusuot ng tradisyunal na kasuotan, ipinakita ng Batanes PPO-Ivatan Cops ang suporta sa pagpapanatili at pagpapahalaga sa mayamang kultura, pagkakakilanlan, at mga tradisyong minana ng mga Ivatan. Naging bahagi rin ito ng pagsusulong ng cultural pride at pagpapahalaga sa indigenous heritage ng lalawigan.

Higit pa sa tungkulin sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan, patuloy na nakikiisa ang Batanes PPO sa mga gawaing nag-uugnay sa kapulisan at komunidad at nagpapakita ng paggalang sa kultura at tradisyon ng mga Ivatang kanilang pinaglilingkuran, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/19Nt88fBc2/

Leave a Reply