Pinaigting ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) ang pagpapatupad ng seguridad bago ang 2026 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng Cebu Provincial Capitol noong Hulyo 27, 2026.
Sa pangunguna ni Provincial Director PCOL Abubakar Udang Mangelen Jr., mapayapang pinangasiwaan ng mga Civil Disturbance Management (CDM) personnel ang dispersal sa isang grupong nagsagawa ng rally nang walang kaukulang permit upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
Isinagawa ang operasyon nang may maximum tolerance at alinsunod sa umiiral na police operational procedures, na nagbigay-daan sa maayos na pagtatapos ng sitwasyon nang walang anumang hindi kanais-nais na insidente.
Patuloy na naninindigan ang CPPO sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan habang iginagalang ang karapatan ng bawat mamamayan at isinusulong ang pagpapatupad ng batas na may paggalang sa karapatang pantao.



