CCPO, naglunsad ng Proficiency Firing Program para sa kanilang hanay

0
111

Pormal na inilunsad ng Cebu City Police Office (CCPO) ang Proficiency Firing Program sa pangunguna ni City Director, PCol George V Ylanan, sa CCPO Firing Range sa Camp Sotero Cabahug, Cebu City noong Hunyo 2, 2026

Dinaluhan ang programa ng mga opisyal at tauhan ng CCPO kasama ang mga kinatawan ng Cebu City Peace and Order Council na sina Konsehal Paul Labra at Arnel Tancinco.

Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng patuloy na pagsasanay upang mapanatili ang disiplina, katumpakan, at responsableng paggamit ng armas.

Matapos ang seremonya, isinagawa ang mga nakatakdang firing exercises sa ilalim ng mahigpit na pangangasiwa ng mga range officers at safety personnel. Tiniyak din ang mahigpit na pagsunod sa mga itinakdang safety protocols at standard operating procedures upang mapanatili ang kaligtasan ng lahat ng kalahok.

Ayon sa CCPO, mahalaga ang programa sa pagpapalakas ng kahandaan, kumpiyansa, at propesyonalismo ng mga pulis sa pagtugon sa mga insidente at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Cebu City sa ilalim ng adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply