Call Center Agent, arestado sa kasong paglabag sa R.A. 11930 ng Las Piñas City PNP

0
178

Arestado ang isang call center agent na tinaguriang Top 2 Most Wanted Person Station Level sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Las Piñas City Police Station sa kahabaan ng Malugay Street, Barangay Pilar, Las Piñas City nito lamang Biyernes, Hulyo 31, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Glenn Oliver C Cinco, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alias Bryan, 33 anyos, call center agent at residente ng Barangay Pilar, Las Piñas City.

Dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa ilalim ng Criminal Case Nos. 26-0826 at 26-0827 para sa paglabag sa Section 4(M) ng Republic Act 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php240,000.

Pinuri ni PBGen Cinco, ang mga operatiba dahil sa kanilang mabilis na pagkilos sa pagpapatupad ng mga judicial warrant at pag-aresto sa mga wanted na kriminal. Binigyang-diin nito na nananatiling matatag ang SPD sa kampanya nito laban sa mga krimen na tumatarget sa mga sektor na mahina, at patuloy nitong titiyakin na mapapanagot sa batas ang lahat ng mga tumatakas sa hustisya.

Source: Southern Police District

Leave a Reply