Bohol PPO, nagpatupad ng Life Coaches Seminar Workshop

0
137

Matagumpay na isinakatuparan ng Bohol Police Provincial Office (BPPO), sa pamumuno ni PCol Patricio C Degay Jr., Provincial Director ang Life Coaches Seminar-Workshop sa Camp Francisco Dagohoy, Tagbilaran City noong Hunyo 3, 2026

Dinaluhan ito ng mga Life Coaches ng BPPO sa pangunguna ni Rev. Pastor Jonathan Apare bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kanilang papel sa pagbibigay ng moral at espirituwal na gabay sa mga kapulisan.

Nagkaroon din ng mga lecture at talakayan mula sa iba’t ibang seksyon ng BPPO upang mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa kanilang misyong suportahan at gabayan ang mga pulis.

Ipinapakita ng aktibidad ang pagpapahalaga ng BPPO sa espirituwal na paghubog ng mga tauhan at ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa religious sector para sa mas epektibong paglilingkod sa komunidad alinsunod sa adhikain ng Philippine National Police na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Leave a Reply