Baril narekober ng PNP sa Milagros, Masbate; suspek arestado

0
49
Screenshot

Isang 76-anyos na lalaki ang naaresto ng mga operatiba ng Masbate Police Provincial Office (PPO) matapos ipatupad ang isang search warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act sa Sitio Bayabas, Brgy. Paraiso, Milagros, Masbate, dakong alas 6:32 ng umaga nitong Setyembre 29, 2026.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Milagros Municipal Police Station (MPS), bilang lead unit, katuwang ang Masbate 1st Provincial Mobile Force Company.

Ipinatupad ng mga operatiba sa bisa ng isang Search Warrant na inisyu noong Setyembre 22, 2026 ng Executive Judge ng Regional Trial Court, 5th Judicial Region, Branch 47, Masbate City, kaugnay ng paglabag sa RA 10591.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa suspek at pagkarekober ng isang caliber .38 revolver na walang bala; at isang steel magazine para sa KG na walang bala.

Isinagawa ang aktuwal na pagmamarka, imbentaryo at pagkuha ng litrato sa mga nakuhang ebidensya alinsunod sa itinakdang proseso at sa presensya ng suspek at mga kinakailangang saksi mula sa brgy.

Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa suspek ang dahilan ng kanyang pag-aresto at ipinaunawa sa wikang kanyang nauunawaan ang kanyang mga karapatang konstitusyonal. Isasailalim din siya sa medical examination sa Municipal Rural Health Unit ng Milagros bago ang kaukulang disposisyon ng kaso.

Ayon kay PCol Jefferson B Araojo, Provincial Director ng Masbate PPO, patuloy na paiigtingin ng kapulisan ang pagpapatupad ng batas, partikular sa mga operasyon laban sa ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng baril, habang tinitiyak na ang bawat police operation ay isinasagawa nang naaayon sa batas at sa mga karapatan ng bawat indibidwal alinsunod sa adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Samantala, ang naarestong indibidwal kasama ang mga nakuhang ebidensya ay agad namang dinala sa kustodiya ng Milagros MPS para sa wastong dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Source: https://www.facebook.com/share/p/18YRSDBKs1/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply