Anim na baril at 280 rounds ng bala, nasamsam sa search warrant operation ng Cotabato PNP sa Arakan, Cotabato

0
50

Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) North Cotabato Provincial Field Unit (PFU), Arakan Municipal Police Station, at 1st Cotabato Provincial Mobile Force Company, ang anim na baril at 280 rounds ng bala sa isinagawang search warrant operation noong Nobyembre 5, 2026 sa Purok Mahayahay, Brgy. Doroluman, Arakan, Cotabato.

Kinilala ni Police Colonel Ramel B Hojilla, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office, ang suspek na isang magsasaka, na nakumpiskahan ng isang .45 caliber pistol, dalawang homemade 12-gauge shotgun, isang .38 caliber revolver, walong long magazine para sa M16 rifle, at 280 rounds ng 5.56 caliber ammunition.

Narekober din ang dalawang steel magazine para sa .45 caliber pistol, 18 rounds ng .45 caliber ammunition, dalawang PCP airgun na may scope at suppressor, isang tactical bandolier, at dalawang holster ng baril.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon upang mapigilan ang pagkalat ng mga baril at mapanatili ang kaligtasan ng ating mga komunidad.” mensahe ni PCol Hojilla.

Source: https://www.facebook.com/share/p/18ZCyvXFRk/

Leave a Reply