Amerikano, nahulihan ng marijuana kush sa NAIA

0
160

Inaresto ang isang 48-anyos na American citizen nang maharang siya sa pagsakay ng eroplano patungong Singapore matapos madiskubreng may bitbit na marijuana kush at drug paraphernalia sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Pasay City nito lamang Lunes ng umaga, Abril 25, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jermaine”, Information Technology contractor sa US, na nahulihan ng apat na gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng Php6,000.

Nabatid na nasabat ang iligal na droga mula sa suspek sa isinagawang interdiction operation ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa Central Security Screening Checkpoint ng International Departure Area.

Nakuha rin sa backpack ng suspek ang improvised metal pipe, assorted lighters, condoms, personal documents, electronic gadgets, identification cards, American passport, boarding pass at Samsung cellular phone at nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2026/04/29/2524432/amerikano-nahulihan-ng-marijuana-kush-sa-naia

Leave a Reply