Aleng Pulis, nagpa-breastfeed sa sanggol

0
363

Isang hindi malilimutang halimbawa ng malasakit ang ipinakita ni Police Master Sergeant Razel Go ng Pinili MPS, Ilocos Norte PPO nang personal niyang tulungan ang isang nursing mother sa barangay visitation—hindi lamang siya nag-alaga kundi siya mismo ang nagpa-breastfeed sa sanggol habang pansamantalang inasikaso ng ina ang ilang mahahalagang gawain.

Sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief Jose Melencio C. Nartatez Jr., patuloy na pinapakita ng mga pulis na ang kanilang serbisyo ay higit pa sa pagpapatupad ng batas—ito ay ang pagtulong sa kapwa sa paraang may malasakit at puso. Ang simpleng kilos ni Master Sergeant Go ay sumasalamin sa tunay na human side ng serbisyo-pulis.

Kasabay nito, bahagi rin ito ng PNP Focused Agenda—isang blueprint ng pagbabago na naglalayong gawing mas makabuluhan at kapaki-pakinabang ang serbisyo-pulis sa publiko. Sa pagkakataong ito, malinaw na naipakita ang Enhanced Managing Police Operations at Active Community Support, dahil ang agarang pagtugon sa pangangailangan ng komunidad ay nagbigay ng malaking tulong sa isang ina at sanggol.

“True service is shown when you step in and help without hesitation,” ani PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. “Ang malasakit sa kapwa ay hindi lamang sa salita, kundi sa gawa.”

Dagdag pa niya, “Every act of kindness matters. Ang bawat maliit na tulong ay may malaking epekto sa komunidad at sa tiwala ng tao sa pulisya.”

Bilang patunay ng dedikasyon ng PNP sa mamamayan, patuloy nitong pinaparamdam sa publiko ang pangakong “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”

(PNP-PIO)