Personal na dumalo si Police Brigadier General Christopher Olazo, Acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD), sa Multi-Agency Coordinating Center meeting na ginanap sa PTTC Building, Pasay City dakong 9:00 ng umaga, nito lamang November 13, 2026, bilang bahagi ng paghahanda sa seguridad at kaayusan ng gaganaping 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Metro Manila.
Kasama ni PBGen Olazo na dumalo sa naturang pagpupulong si PCol Marlon Quimno, Acting Deputy District Director for Operations ng QCPD, kung saan pinangunahan ni PBGen Christopher Abrahano, Acting Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang naturang aktibidad.
Layunin ng nasabing aktibidad na pagtibayin ang kahandaan ng bawat yunit ng pulisya sa paghahanda sa seguridad at kaayusan habang ipinagdaraos ang 49th ASEAN Summit sa bansa.
Tiniyak din ng pamunuan ng QCPD ang maayos at epektibong pakikipag-koordinasyon sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan para sa pagpapanatili ng seguridad sa lungsod sa panahon ng nasabing aktibidad alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/19jt8wah79/?mibextid=wwXIfr

