Babaeng wanted sa kasong paglabag sa R.A.9262, arestado ng Davao de Oro PPO sa Maco

0
258

Arestado ng mga operatiba ng Davao de Oro Provincial Police Office (PPO) ang isang 34-anyos na babae na kinilala sa alyas na “Mae Ash” sa isinagawang Manhunt Charlie operation dakong 2:00 ng hapon noong Nobyembre 8, 2026, sa Purok 3, Brgy. Limbo, Maco, Davao de Oro

Isinagawa ng mga tauhan ng Maco Municipal Police Station ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest laban sa suspek dahil sa umano’y paglabag sa Section 5(i) ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, kaugnay ng Section 6(f). Inilabas ang warrant ng Family Court, Branch 1, Nabunturan noong Nobyembre 4, 2026, na may inirekomendang piyansang Php72,000.

Sa pagpapatupad ng warrant, gumamit ang mga operatiba ng alternative recording device. Ipinaalam din sa inaresto ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang kanyang nauunawaan. Pinili nitong manahimik at kasalukuyang nasa kustodiya ng Maco Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Ipinapakita ng pagkakaarestong ito ang patuloy na pagsisikap ng kapulisan ng Davao de Oro na tugisin ang mga wanted person at ipatupad ang mga warrant of arrest na inilalabas ng korte upang matiyak na naisasailalim sa wastong proseso ng batas ang mga kinauukulang kaso, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply