Regional Director, PRO CAR, nakiisa sa ika-126 Founding Anniversary ng Benguet at Adivay Festival 2026

0
788

Pinangunahan ni PBGen Noel B. Vallo, Regional Director ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR), ang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-126 Founding Anniversary ng Benguet at Adivay Festival 2026 sa pamamagitan ng Kick-Off Program na ginanap sa Provincial Capitol Grounds, La Trinidad, Benguet, noong Nobyembre 10, 2026.

Sa temang “Binnadang: We Unite, Build and Serve for a Healthier Tomorrow,” binigyang-diin ng pagdiriwang ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at sama-samang pagkilos para sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan at pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng mamamayan. Dinaluhan din ito ni Benguet Governor Melchor D. Diclas, MD, District Representative Eric G. Yap, mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan at lokal, kinatawan ng mga pambansang ahensya, at iba pang katuwang sa komunidad.

Binigyang-diin ni PBGen Vallo ang patuloy na suporta ng PRO CAR sa mga programa at inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Benguet, gayundin ang kahalagahan ng matatag na ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at katuwang na ahensya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan at pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.

Patuloy namang pinagtitibay ng PRO CAR ang pakikipagtulungan nito sa mga lokal na pamahalaan at iba pang sektor upang maisulong ang ligtas, mapayapa, at maunlad na mga pamayanan sa buong Cordillera, alinsunod sa adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: PRO CAR (https://www.facebook.com/share/p/1JZMUFr22K/)

Leave a Reply