3rd PAGPTD Meeting, inilunsad ng Oriental Mindoro PPO; patuloy na pagpapabuti ng serbisyo ng pulisya, tinutukan

0
384

Matagumpay na isinagawa ng Oriental Mindoro Police Provincial Office (PPO), sa ilalim ng pamumuno ni PCol Efraim A Camara, Provincial Director, ang 3rd Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) Meeting for CY 2026 noong Nobyembre 4, 2026, sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Pinangunahan ni Atty. Earl Ligorio R. Turano II, PAGPTD Chairperson, ang pagpupulong na dinaluhan ng mga miyembro ng advisory group at mga kinatawan ng Oriental Mindoro PPO.

Kabilang sa mga tinalakay sa aktibidad ang pagpili ng Vice-Chairperson, panunumpa ng bagong miyembro, pag-apruba sa minutes ng nakaraang pagpupulong, at mga naging aksyon sa mga naunang usapin.

Ipinakita rin ang mga audio-visual presentation tungkol sa mga programa ng PNP para sa proteksyon ng kababaihan at mga bata laban sa karahasan, gayundin ang mga talakayan hinggil sa Violence Against Women and Children (VAWC).

Nagkaroon din ng open forum kung saan nagbahagi ang mga miyembro ng kanilang mga suhestiyon at rekomendasyon para sa pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng kapulisan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni PCol Camara ang kahalagahan ng patuloy na pagsusuri sa mga nagawa ng kapulisan, pagtanggap sa mga mungkahi ng mga stakeholder, at pagtutulungan upang matukoy at matugunan ang mga dapat pang pagbutihin.

Muli niyang tiniyak ang patuloy na pagsisikap ng Oriental Mindoro PPO na maisulong ang mga reporma at makapaghatid ng mas maayos, epektibo, at responsableng serbisyo sa mamamayan bilang bahagi sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1cuCqoDCZm/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply