CAMPUSAYA ng PRO NIR, patuloy na umarangkada sa mga paaralan sa Dauin, Negros Oriental

0
495

Patuloy na umarangkada ang programang CAMPUSAYA ng Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR) sa pamamagitan ng mga miyembro ng Dauin Municipal Police Station sa pangunguna ni PMaj Victor B Bantoto, Acting Chief of Police nito lamang November 4, 2026.

Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng school visitation at CAMPUSAYA lecture sa mga mag-aaral sa mga paaralan ng Magsaysay Elementary School at Mag-aso Elementary School sa Brgy. Magsaysay, Dauin, Negros Oriental.

Binigyang-diin din ng programa ang pagpapaigting ng kaligtasan at seguridad ng mga kabataan, partikular na sa mga paaralan ng rehiyon. Tinalakay din ang mga usaping may kaugnayan sa paglaban sa nihilistic-related violence at extremism, kung saan tinuturuan ang mga mag-aaral na maging maagap sa pag-ulat sa mga guro at mga awtoridad sakaling mayroong hindi inaasahang insidente.

Nagsagawa rin ang Pambansang Pulisya ng school safety drill sa loob ng nasabing paaralan para pagtibayin ang kahandaan ng mga mag-aaral sa panahon ng mga hindi inaasahang insidente.

Sa pamamagitan ng CAMPUSAYA, patuloy na pinalalakas ng PRO NIR ang kanilang kampanya na tulungan ang mga mag-aaral at mga school authorities na maging progresibong katuwang ng mga awtoridad at komunidad sa pagkakaroon ng ligtas at payapang mga paaralan alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DTtjz4rqt/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply