Regional Most Wanted Person ng CALABARZON, arestado ng Mendez MPS sa kasong qualified theft

0
329
Screenshot

Arestado ang isang Regional Level Most Wanted Person ng pinagsanib na operasyon ng Mendez Municipal Police Station (MPS), katuwang ang 401st A Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 4A, nito lamang 12:50 ng madaling-araw ng November 1, 2026 sa Brgy. Asis 1, Mendez, Cavite.

Kinilala ni Police Major Ivan Howell B Bayla, Chief of Police ng Mendez MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Apple” mula sa Trece Martires City, Cavite.

Inaresto ang naturang indibidwal sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 131, Trece Martires City noong October 21, 2026, dahil sa 37 counts ng qualified theft sa ilalim ng Article 310 kaugnay ng Article 308 ng Revised Penal Code. Bawat bilang ng kaso ay may piyansang inirekomenda na Php40,000 at umabot sa kabuuang Php1,480,000.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa Ospital ng Tagaytay City para sa medical examination bago pa man siya isailalim sa kustodiya ng Mendez MPS para sa iba pang legal na dokumentasyon.

Alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” binigyang-diin ni Police Colonel Ariel E Red, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office (PPO), ang kahalagahan ng patuloy na operasyon ng buong hanay ng kapulisan sa lalawigan upang arestuhin ang lahat ng mga pugante katuwang ang iba pang mga police units at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

“We will remain relentless in our efforts to locate and arrest wanted persons, regardless of the number of charges they face. Let this serve as a reminder that no one is above the law, and those who violate it must be held accountable through the proper legal process” (Mananatili kaming nakatutuok at magpapatuloy ang aming mga pagsisikap na hanapin at arestuhin ang lahat ng mga taong pinaghahanap ng batas, anuman ang bilang ng mga kasong kinakaharap nila. Magsilbi sana itong paalala na walang sinuman ang nakatataas sa batas, at ang sinumang lumabag dito ay dapat managot sa pamamagitan ng nararapat na prosesong legal), giit pa ni PCol Red.

Source: https://www.facebook.com/share/1da4J9hWH5/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply