Personal na nagsagawa ng inspeksyon si PBGen Benigno L Guzman, Regional Director ng Police Regional Office 11 (PRO11), sa ilang sementeryo at sa Ecoland Transport Terminal sa Davao City upang tiyakin ang kahandaan ng kapulisan at seguridad ng publiko sa paggunita ng “Undas 2026” mula Oktubre 31 hanggang November 2, 2026.
Nakatuon ang inspeksyon sa police deployment, police visibility, at pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng mga tao.
Layunin din nitong matiyak ang kahandaan ng mga tauhan ng pulisya sa pagpigil sa krimen, pagtugon sa mga posibleng insidente, at pagbibigay ng agarang tulong sa mga bibisita sa sementeryo at mga biyahero.
Kasama ni PBGen Guzman sa inspeksyon si Davao City Police Office City Director PCol Peter B Madria at ang mga hepe ng mga kaukulang himpilan ng pulisya.
Binigyang-diin ni PBGen Guzman sa mga tauhan ang kahalagahan ng pagiging alerto, nakikita, at madaling lapitan upang matiyak ang maayos na pagtugon sa pangangailangan ng publiko sa buong panahon ng Undas.
Patuloy namang pinatitibay ng PRO 11 ang mga paghahanda at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang ligtas, mapayapa, at maayos na paggunita ng Undas 2026 sa buong Rehiyon ng Davao, alinsunod sa direktiba ni PGen Jose Melencio C Naratatez, Jr., Chief, PNP, at adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

