Dinagat cops, patuloy ang pagbabantay ng kaayusan at seguridad sa “Undas 2026”

0
79

Patuloy ang pagbabantay ng seguridad at kaayusan ng mga kapulisan ng Dinagat Islands Police Provincial Office sa mga pamilyang dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay sa Sta. Cruz Public Cemetery, sa Brgy. Sta. Cruz, Tubajon, Dinagat Islands nito lamang Nobyembre 1, 2026.

Sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Glenn C Sampaga, Provincial Director, Dinagat Islands PPO, tuloy-tuloy na isinagawa ang red teaming inspection sa mga pulis na naka-deploy mula sa Tubajon Municipal Police Station at 2nd Dinagat Islands Provincial Mobile Force Platoon na pinangunahan ni PLtCol Peter Paul P Manatad, DPDA.

Layunin ng inspeksyon na tiyakin ang pagiging handa ng mga nakatalagang kapulisan ng PNP at muling ipaalala ang mahigpit na pagtupad sa mga Police Operational Procedures upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: https://www.facebook.com/share/p/1E9dhVtKwo/

Leave a Reply