Mabilis na sumaklolo ang mga kapulisan ng 2nd Apayao Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa isang aksidente ng motorcycle taxi sa Brgy. Buluan, Conner, Apayao noong Oktubre 29, 2026.
Ayon sa paunang impormasyon, nawalan ng kontrol ang drayber matapos hindi madaanan nang maayos ang isang malalim na kurbada habang bumibiyahe mula Tuao, Cagayan patungong Brgy. Mawigue, Conner, Apayao, dahilan upang tumaob ang motorsiklo.
Kaagad na nagbigay ng kinakailangang tulong ang mga sumaklolong pulis sa nasugatang pasahero at isinugod ito sa Conner District Hospital upang mabigyan ng agarang lunas at masuri ang kalagayan.
Patuloy na isinusulong ng Philippine National Police (PNP) ang serbisyong nakatuon sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng mabilis na pagtugon at malasakit sa komunidad, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: 2nd Apayao PMFC
(https://www.facebook.com/share/p/1NcqSbwm7P/?mibextid=wwXIfr)

