10 patrol motorcycles at 50 handheld radios, ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa South Cotabato PPO

0
88

Ipinagkaloob sa South Cotabato Police Provincial Office (PPO) ang karagdagang kagamitan para sa pagpapalakas ng operasyon ng pulisya mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato, ang 10 patrol motorcycle at 50 handheld two-way radio noong October 29, 2026 sa South Cotabato.

Pormal na tinanggap ni Police Colonel Isralene Z Lauren, Acting Provincial Director ng South Cotabato PPO, ang mga nasabing kagamitan mula sa Pamahalaang Panlalawigan na pinamumunuan ni Governor Reynaldo S. Tamayo.

Inaasahang makatutulong ang mga bagong patrol motorcycle at handheld radio upang higit pang mapahusay ang mobility, komunikasyon, at koordinasyon ng mga tauhan ng pulisya, gayundin ang kanilang kakayahang tumugon sa mga operasyong pangkapayapaan at pangseguridad sa buong lalawigan.

Sa pamamagitan ng karagdagang kagamitan, inaasahang mapalalakas ang police visibility, mapabibilis ang pagtugon sa mga insidente, at mapahuhusay ang pagpapatupad ng mga operasyong nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat ang South Cotabato PPO sa Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato sa patuloy nitong suporta at pakikiisa sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga kapulisan.

Ipinakikita rin ng naturang pagkakaloob ang kahalagahan ng pagtutulungan ng kapulisan at lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan ng South Cotabato na naaayon sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source link: https://www.facebook.com/share/p/1GqxUpL83i/

Leave a Reply