Php1.128M halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska ng PRO11; tatlong suspek, arestado

0
445

Arestado ng Police Regional Office 11 (PRO11) ang tatlong suspek na sangkot sa ilegal na droga at nasamsam ang tinatayang 166 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php1,128,000 sa magkahiwalay na operasyon sa Davao del Sur at Davao Oriental noong Oktubre 22 at 28, 2026.

Ayon kay PBGen Benigno L Guzman, sa unang operasyon na isinagawa noong Oktubre 28 sa Brgy. Baybay, Malalag, Davao del Sur, naaresto ang suspek na si alyas “Madam” at tinatayang 65 gramo ng hinihinalang shabu ang narekober na nagkakahalaga ng Php442,000, isang .45 caliber na baril, isang magazine assembly, limang bala, marked money, boodle money, cellphone, sasakyan, mga bag, timbangan, lighter, lisensya sa pagmamaneho.

Samantala, sa operasyon noong Oktubre 22 sa Governor Generoso, Davao Oriental, naaresto ang dalawang suspek na kinilalang alyas “Mecoy” at “Yanyan” at tinatayang 101 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php686,000.

Binigyang-diin ni PBGen Guzman ang patuloy na pagpapalakas ng mga operasyong nakabatay sa intelligence gathering upang matukoy at madakip ang mga sangkot sa ilegal na kalakalan ng droga.

Alinsunod ito sa mga direktiba ni PGen Jose Melencio C Naratatez Jr, Chief, PNP at adhikain ng Pambansang Pulisya na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” na nagbibigay-diin sa crime prevention, crime solution, community engagement, capability development, collaboration at good governance.

https://www.facebook.com/share/p/1EdeYwgWGw/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply