Php2.24M halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam ng PRO10; drug suspect, arestado sa Cagayan de Oro City

0
357

Arestado ang isang drug suspect matapos makumpiskahan ng humigit-kumulang 330 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php2.24 milyon sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit ng Cagayan de Oro City Police Office at Cagayan de Oro City Mobile Force Company sa Brgy. Indahag, Cagayan de Oro City bandang 3:00 ng hapon noong Oktubre 28, 2026.

Kinilala ni PBGen Nestor C Babagay Jr., Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si alyas “JR,” 34 anyos, may asawa, at residente ng Brgy. Canitoan sa nasabing lungsod na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Narekober sa naturang operasyon ang 11 sachet ng hinihinalang shabu, isang pouch, kaha ng sigarilyo, Android cellphone, motorsiklo, at Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money.

Magpapatuloy ang mga operasyon ng Police Regional Office 10 (PRO10) na nakabatay sa intelligence information upang labanan ang ilegal na droga. Hinikayat din ni RD Babagay ang publiko na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa droga na adhikain sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.

Source: PCADG Northern Mindanao

Leave a Reply