Most Wanted Person sa kasong murder, arestado ng PRO12 sa Magpet, Cotabato

0
345

Arestado ang tinaguriang Rank 10 Most Wanted Person Regional Level at Rank 2 Most Wanted Person Municipal Level sa isinagawang joint operation ng mga operatiba sa Brgy. Gubatan, Magpet, Cotabato, noong October 16, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Alan B Manibog, Regional Director ng Police Regional Office 12 (PRO12), ang suspek na si alyas “Bosyong,” 27 anyos, na dinakip sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Magpet Municipal Police Station, Cotabato Police Provincial Office–Provincial Intelligence Unit at Regional Intelligence Unit 12.

“Walang lugar ang mga nagtatangkang umiwas sa batas. Patuloy nating tutugisin ang mga wanted person sa pamamagitan ng maayos at makatarungang operasyon, upang matiyak na mananaig ang batas at mapanagot ang sinumang mapatutunayang nagkasala.” saad ni PBGen Manibog.

Source link: https://www.facebook.com/share/p/1Ce3EkJZ6R/

Leave a Reply