Nasabat ng pinagsamang puwersa ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at 4th Marine Rifle Battalion (MRBn) ang nasa Php3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy. Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi, noong Oktubre 16, 2026.
Ayon kay Police Brigadier General Christopher M Abecia, Regional Director ng PRO BAR, nakatakas ang mga suspek at nagkaroon ng palitan ng putok ng baril nang matunugan na mga pulis ang ka-transaksyon
Narekober ng mga tauhan ng PDEA, Bongao Municipal Police Station, at 4th MRBn ang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php3.4 milyon at iba pang non-drug items na may kaugnayan sa operasyon.
Pinuri ni PBGen Abecia, ang mga operating unit sa kanilang patuloy na pagsisikap bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Hindi matitinag ang pangako ng PRO BAR na labanan ang mga ilegal na gawain at patuloy na isulong ang pagpapatupad ng batas sa buong rehiyon ng Bangsamoro na adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: https://www.facebook.com/share/p/16HfTgxURRN/

