Php1.24M halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasabat ng PRO BAR sa Maguindanao del Sur

0
345

Nasabat ng mga tauhan ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) ang nasa Php1.24 milyong halaga ng inabandonang smuggled na sigarilyo sa kahabaan ng Sambulawan Street, Brgy. Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nito lamang Oktubre 17, 2026.

Ayon kay PBGen Christopher M Abecia, Regional Director ng PRO BAR, nakatanggap ng impormasyon ang kapulisan mula sa Barangay Information Network (BIN) hinggil sa mga inabandonang smuggled na sigarilyo sa naturang lugar.

Tumambad sa mga tauhan ng Datu Saudi Ampatuan Municipal Police Station at Regional Intelligence and Anti-Illegal Drugs Task Group–Regional Intelligence Division (RIAT-RID) ang nasa 29 master cases na naglalaman ng 1,450 reams ng Cannon Menthol brand ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng Php1,240,736,

 “I commend our operating units for their vigilance and strong coordination in combating smuggling. To those involved in illegal activities, consider this a stern warning: we will relentlessly pursue you and ensure that you are held accountable under the law. We urge the public to report suspicious activities and support our efforts to keep our communities safe” (Pinupuri ko ang ating mga operating unit sa kanilang pagiging mapagmatyag at sa matibay na koordinasyon sa paglaban sa pagpupuslit ng mga ilegal na produkto. Sa mga sangkot sa mga ilegal na gawain, ituring ninyo itong isang mahigpit na babala: patuloy namin kayong tutugisin at sisiguraduhing mananagot kayo sa ilalim ng batas. Hinihikayat namin ang publiko na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad at makiisa sa aming mga pagsisikap upang mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad), mensahe ni RD Abecia.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DhrMQj5Az/

Leave a Reply