Isinagawa ng mga personnel ng Butuan City Police Office (CPO), sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Wilson M Corpuz, Deputy City Director for Operations, kasama ang mga tauhan ng Butuan City Police Station 3, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Richie M Yatar, City Director, ng Red Teaming at Simulation Exercise (SIMEX) sa insidente ng pananaksak noong Oktubre 15, 2026, bandang 3:30 ng hapon sa La Trinidad Integrated School, Brgy. Bonbon, Butuan City. Agusan del Norte.
Habang mino-monitor ang nasabing pagsasanay, pinangunahan nina PLtCol Corpuz, at PLtCol Dorado, ang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga pagsasanay sa kaligtasan sa paaralan, partikular ang protokol na “Run, Hide, Fight” (Tumakbo, Magtago, Lumaban), habang nagtitipon ang mga mag-aaral sa itinakdang ligtas na lugar.
Ipinakilala at ipinaalam din sa mga mag-aaral ang tungkol sa AGAP Caraga App at sa Unified Emergency Hotline 911 upang mapalawak ang kaalaman ng mga ito sa mga serbisyong maaaring lapitan sa oras ng emergency.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng kahandaan, pagiging mapagmatyag, at agarang pagkilos sa panahon ng mga hindi inaasahang pangyayari.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, patuloy na pinatitibay ng Butuan City PNP ang kamalayan sa kaligtasan sa mga paaralan at itinataguyod ang kultura ng kahandaan sa hanay ng mga mag-aaral at kawani ng paaralan na napapaloob sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1CBKaC66HU/

