Rank 4 Most Wanted Person sa kasong statutory rape, arestado ng SPD sa Taguig City

0
50

Arestado ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) ang Rank 4 Most Wanted Person sa ikinasang operasyon sa Taguig City noong Oktubre 14, 2026.

Kinilala ang suspek na si alyas “Mark,” 41 anyos. Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Family Court Branch 15 sa Taguig City sa kasong statutory rape na walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay Police Brigadier General Rodel A Pastor, District Director ng SPD, patuloy ang kanilang kampanya upang matunton at maaresto ang mga wanted person at matiyak na haharap ang mga ito sa kaukulang proseso ng batas, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

“We will continue to track down wanted persons and bring them before the courts to face justice” (Patuloy nating tutugisin ang mga pinaghahanap na indibidwal at ihaharap sila sa mga hukuman upang panagutin sa batas at makamit ang katarungan), saad ni PBGen Pastor.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DrrZqa9EM/

Leave a Reply