Nasabat ang nasa Php206,040 na halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Rizal, Taguig City, noong Oktubre 14, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Rodel A Pastor, District Director ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Rolando,” 36 anyos, walang trabaho, residente ng naturang brgy. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Narekober sa naturang operasyon ang nasa 30.3 gramo ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at isang pink coin purse.
“To those who continue to sell and use illegal drugs, stop now before it is too late. We will not let up in enforcing the law to protect our communities and prevent more lives from being destroyed by illegal drugs,” (Sa mga patuloy na nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga, itigil na ninyo ito bago mahuli ang lahat. Hindi tayo titigil sa pagpapatupad ng batas upang maprotektahan ang ating mga komunidad at maiwasan ang pagkasira ng mas marami pang buhay dahil sa ilegal na droga), ani ni PBGen Pastor.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1C4XWzDU54/

