Misamis Occidental PNP nagsagawa ng Community Outreach Program sa Don Victoriano

0
57

Isinagawa ng tauhan ng Misamis Occidental 2nd Provincial Mobile Force Company at Don Victoriano Municipal Police Station ang community outreach program at ang pag-turnover ng Quick Impact Project sa Brgy. Tuno, Don Victoriano, Misamis Occidental ngayong Huwebes, Oktubre 15, 2026.

Naging posible ang aktibidad dahil sa pagsisikap ni Police Colonel Gilbert M Rollen, Acting Provincial Director, Misamis Occidental PPO, katuwang ang Tuno barangay officials at stakeholders.

Namahagi ang kapulisan ng mga gamit tulad ng damit, food packs sa 15 residente. Nagkaroon din ng talakayan hinggil sa ELCAC, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at pamimigay ng Information Education Communication (IEC) materials.

Nagbigay naman ng pag-asa at saya ang pag-turnover ng concrete water tub na malaking tulong upang mapagkunan ng malinis na inuming tubig at ang pamimigay ng Misamis Occidental Cops ng cleaning materials, pintura, at solar light para sa mas ikagaganda ng silid-aralan.

Nabusog din ang 150 kabataang ipinamahagi ng champorado at ice cream. Tampok din sa aktibidad ang mobile library na mismong kapulisan ang namahagi ng kaalaman at nagturo sa mga mag-aaral.

Bukod dito, namahagi rin ng mga punla ng gulay at buto ng niyog bilang suporta sa mga gawaing pangkabuhayan at pangangalaga sa kapaligiran. Tumulong din ang kapulisan sa mga residente sa pagsagot at pagkumpleto ng mga form ng Philippine Statistics Authority (PSA), gayundin sa pamamahagi ng mga birth certificate sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Sa pamamagitan ng naturang outreach activity, patuloy na pinatitibay ng kapulisan ang ugnayan at pakikipagtulungan nito sa komunidad, habang ipinakikita na ang serbisyo ng Misamis Occidental PNP ay hindi lamang nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad, kundi maging sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayan. Layunin ng aktibidad na mailapit ang serbisyo ng kapulisan sa mga komunidad at mapalakas ang pagtutulungan tungo sa isang mas ligtas, maunlad, at nagkakaisang pamayanan na napapaloob sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.

Source: https://www.facebook.com/share/p/16HLVmrfBjz/

Panulat ni PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply