Drug personality, huli matapos makuhanan ng Php340K halaga ng hinihinalang droga sa Bacolod City

0
159

Naaresto ang isang drug personality matapos makumpiska ng mga operatiba ng Bacolod City Police Office (CPO), ang tinatayang nasa Php 340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinakatuparang buy-bust operation dakong 1:00 ng madaling araw noong October 5, 2026 sa Brgy. 39, Bacolod City.

Pinangunahan ang operasyon ng Bacolod CPO Police Station 1 (PS1) sa pamumuno ni Police Major Eugene G Tolentino, Acting Chief, na nagresulta sa pagkakakaaresto sa suspek na kinilala sa alyas na “Jerick”, 33-anyos, at residente ng Barangay Cabug, Bacolod City.

Narekober ng kapulisan sa operasyon ang isang sachet ng hinihinalang shabu na ginamit bilang buy-bust item; isang knot-tied transparent plastic bag containing suspected shabu; pitong malalaking sachet ng shabu; isang itim na pouch; at isang Php 1,000 bill, na ginamit bilang buy-bust money. Aabot sa kabuuang 50 gramo ang bigat ng nakumpiskang shabu na may Street Drug Price (SDP) na Php 340,000.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply