Arestado ng mga tauhan ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang Rank 7 Provincial Most Wanted Person ng Masbate sa isang focused law enforcement operation na isinagawa sa Masbate City noong Oktubre 2, 2026.
Naaresto ang 48-anyos na si alyas “Son,” residente ng Barangay Asid, Masbate City, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na may kaugnayan sa Republic Act No. 7610, o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na walang inirekomendang piyansa.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng 1st Masbate Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) bilang lead unit, kasama ang Masbate Provincial Intelligence Unit at Masbate City Police Station (CPS) sa ilalim ng Masbate Police Provincial Office.
Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng PRO5 laban sa mga wanted person, partikular sa mga nahaharap sa mabibigat na kaso.
Binigyang-diin naman ni PBGen Randy Glenn G Silvio, Regional Director ng PRO5, na pinatunayan lamang ng pagkakaaresto ng suspek ang walang humpay na pagsisikap ng kapulisan na ipatupad ang batas, protektahan ang mga biktima at vulnerable sectors, at tiyaking haharap sa nararapat na proseso ng hustisya ang mga wanted person.
Aniya, patuloy na tututukan ng PRO5 ang paghahanap at pag-aresto sa lahat ng mga nagtatago sa batas sa pamamagitan ng legal, focused, at intelligence-driven police operations na nakabatay sa adhikain ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Bahagi rin ang operasyon ng pagpapatupad ng PNP Focused Agenda partikular na ang Enhanced Managing Police Operations (EMPO), na naglalayong palakasin ang pagpaplano, koordinasyon, intelligence-driven policing, at maagap na pagpapatupad ng batas. Patulot namang hinihikayat ng PRO5 ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon na makatutulong sa pagtukoy at paghuli sa mga wanted person.
Panulat ni PCpl Doxie Charesse C Casasos

