2 Municipal Most Wanted Person sa kasong R.A. 7610, arestado ng Obando Cops

0
61

Arestado ng mga operatiba ng Obando Municipal Police Station (MPS) ang Rank 2 Most Wanted Person Municipal Level sa ikinasang operasyon sa Brgy. Binuangan, Obando, Bulacan noong Setyembre 29, 2026.

Ayon kay Police Major Erickson S Miranda, Chief of Police ng Obando MPS, kinilala ang naarestong akusado na si alias “Reg,” 45 taong gulang, may-asawa, mangingisda, at residente ng Purok 2, Brgy. Binuangan, Obando, Bulacan.

Matagumpay na naisilbi ng Tracker Team ng Obando MPS ang Warrant of Arrest laban sa akusado para sa paglabag sa Republic Act No. 7610, Section 5(b), in relation to Lascivious Conduct na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php 400,000.

Binigyang-diin ni Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, na ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga warrant of arrest ay bahagi ng pagsisikap ng Bulacan PPO na matiyak ang pagpapatupad ng batas at mapanagot ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso, alinsunod sa legal na proseso tungo sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

Source: Bulacan Police Provincial Office

Leave a Reply