Namahagi ang San Fernando City Police Station (CPS), katuwang ang City Government of San Fernando, ng 295 traffic vests sa mga miyembro ng Brgy. Peacekeeping Action Teams (BPATs) mula sa 59 brgy. ng lungsod, noong Setyembre 28, 2026.
Layunin ng pamamahagi na mapalakas ang visibility, kaligtasan, at proteksiyon ng mga BPATs habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa traffic management, road safety, community patrol, at iba pang gawaing may kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang mga brgy.
Sa pamamagitan ng mga traffic vests, mas madali ring makikilala ang mga BPATs habang nagbibigay ng serbisyo at tulong sa publiko, partikular sa mga lansangan at mataong lugar, na makatutulong sa mas maayos na koordinasyon at pagpapatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan sa kalsada.
Patuloy namang pinagtitibay ng San Fernando CPS, Pamahalaang Lungsod, at mga BPATs ang kanilang pagtutulungan upang mapalakas ang community-based public safety initiatives at mapanatili ang ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan sa San Fernando City alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: CSFPS (https://www.facebook.com/share/p/1DXMKMhaPx/)
Panulat ni PMSg Carmela G Danguecan

