Rank 10 City Most Wanted Person sa kasong statutory rape, arestado sa Bulacan

0
61

Arestado ng pinagsanib na puwersa ng San Jose Del Monte City Police Station (CPS) at 301st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 3 ang Top 10 Most Wanted Person City Level sa bisa ng Warrant of Arrest sa Brgy. San Manuel, City of San Jose Del Monte, Bulacan noong Setyembre 29, 2026.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Nelson M Sardin, Acting Chief of Police ng San Jose Del Monte City Police Station, ang suspek na si alias “Carl”, 31 anyos at residente ng Pleasant Hills Subdivision, Brgy. San Manuel, City of San Jose Del Monte, Bulacan na dinakip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape under Article 266-A (1) in relation to Article 266-B of the Revised Penal Code sa ilalim ng Criminal Case No. 268-SJDM-2026 na walang inirekomendang piyansa.

Mula sa pahayag ni Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, na ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga warrant of arrest ay bahagi ng pagsisikap ng Bulacan PPO na matiyak ang pagpapatupad ng batas at mapanagot ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso, alinsunod sa legal na proseso at sa adhikain na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman”.

Source: Bukidnon Police Provincial Office

Leave a Reply