Rank 1 Most Wanted Person sa kasong acts of lasciviousness, arestado sa Guimbal, Iloilo

0
59
Screenshot

Naaresto ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang Rank 1 Municipal Most Wanted Person matapos matunton ng mga operatiba sa isang manhunt operation sa Brgy. Igcocolo, Guimbal, dakong 2:30 ng hapon noong Setyembre 29, 2026.

Kinilala ang naarestong indibidwal na si alyas “Cris,” 49 anyos, may asawa, at residente ng nasabing bayan. Matagumpay siyang natunton ng Tracker Team ng Guimbal Municipal Police Station (MPS) sa tulong ng walang humpay na intelligence gathering at impormasyong ibinahagi ng komunidad.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng dalawang bilang ng acts of lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 5(b) ng Republic Act No. 7610. Ang warrant ay inilabas noong Setyembre 22, 2026 ng Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 72, Guimbal, Iloilo.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Guimbal MPS ang akusado para sa kaukulang disposisyon at iba pang legal na proseso.

Binigyang-diin ni PBGen Randulf T Tuaño, Regional Director ng PRO6, na mahalagang katuwang ng kapulisan ang komunidad sa matagumpay na pagtugis at pagkakaaresto sa lahat ng mga wanted person sa rehiyon.

Aniya, “Malaki ang naitutulong ng impormasyon mula sa komunidad sa matagumpay na pagtugis sa mga wanted person. Hinihikayat natin ang publiko na patuloy na makipagtulungan at agad na ipagbigay-alam sa pulisya ang anumang impormasyon ukol sa kanilang kinaroroonan. Ang bawat impormasyong ibinabahagi ay maaaring maging mahalagang hakbang upang maiharap sila sa kaukulang proseso ng batas.”

Ang pagkakaaresto ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PRO6 laban sa mga wanted person, katuwang ang komunidad, alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman,” tungo sa mas ligtas at mapayapang Western Visayas.

Source: https://www.facebook.com/share/p/19RGaiKxEv/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply